Kabutihan ng Muadhin (taga pagtawag ng Ahdaan) – 4

7. Ang pagkaligtas mula sa apoy ng Jahannum ay ipinangako para sa sinumang tumatawag ng adhaan sa loob ng pitong taon.

عن ابن عباس رضي الله عنهما أن النبي صلى الله عليه وسلم قال من أذن سبع سنين محتسبا كتبت له براءة من النار (سنن الترمذي، الرقم: 206)

Si Sayyiduna Ibnu Abbaas radhiyallahu anhuma ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang sinumang tumawag ng adhaan sa loob ng pitong taon nang may katapatan at ang pag-asang makamit ang gantimpala ay tatanggap ng garantiya ng pagkaligtas mula sa apoy ng Jahannum.”
8. Si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagdasal para sa kapatawaran ng mga tumatawag ng adhaan.

عن أبى هريرة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم الإمام ضامن والمؤذن مؤتمن اللهم أرشد الأئمة واغفر للمؤذنين (سنن أبي داود، الرقم: 517)

Si Sayyiduna Abu Hurairah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang imaam ay may pananagutan (para sa salaah ng buong kongregasyon) at ang muadhin ay pinagkatiwalaan ng isang tiwala (ibig sabihin, siya ay pinagkatiwalaan ng tungkulin ng pagtawag ng adhaan sa itinakdang oras nito). O Allah ta’ala, patnubayan mo ang mga imaam (tungo sa pagtupad sa kanilang obligasyon na pamunuan ng tama ang salaah) at patawarin ang mga muadhin (sa kanilang mga pagkukulang).”

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 8

8. Bigkasin ang masnoon/sunnah na mga dua kapag pumapasok sa musjid. Ang ilan sa mga …