5. Idineklara na ang kapatawaran para sa muadhin. Katulad nito, ang masayang balita ay ibinigay tungkol sa muadhin na siya ay biniyayaan ng gantimpala ng lahat ng mga nagsagawa ng salaah dahil sa pagtugon sa kanyang panawagan.
عن البراء بن عازب رضي الله عنه أن نبي الله صلى الله عليه وسلم قال إن الله وملائكته يصلون على الصف المقدم والمؤذن يغفر له بمد صوته ويصدقه من سمعه من رطب ويابس وله مثل أجر من صلى معه (سنن النسائي، الرقم: 645)
Si Sayyiduna Baraa bin Aazib radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Tiyak na si Allah ta’ala ay nagbuhos ng Kanyang espesyal na awa sa mga (nagsasagawa ng salaah) sa unang saff at ang malaa’ikah (mga anghel) ay gumagawa ng espesyal na dua para sa kanila. Ang muadhin ay tatanggap ng kapatawaran mula sa Allah ta’ala sa layo ng kanyang tinig (kung siya ay nagkaroon ng napakaraming mga kasalanan na ang mga ito ay sumasaklaw sa distansya mula sa lugar kung saan siya tumawag ng adhaan hanggang sa pinakamalayo na naabot ng kanyang tinig, ang lahat ng mga kasalanan ay patatawarin, o di kaya sa tagal ng panahon na inaabot ng kanyang tinig upang maabot ang pinakamalayong punto, tatanggap siya ng kapatawaran ng Allah ta’ala sa parehong tagal ng panahon sa kanyang buhay kung saan siya nakagawa ng mga kasalanan), at ang bawat nilikha, nagtataglay ng buhay man o wala, ay magpapatotoo para sa kanya (sa Araw ng Qiyaamah), at tatanggap siya ng gantimpala ng lahat ng mga taong iyon na nagsagawa ng salaah kasama niya (yun ay lahat ng mga taong nagsagawa ng salaah dahil sa kanyang tawag).”
6. Ang muadhin ay inilarawan sa Hadith bilang mula sa pinakamahusay na mga lingkod ng Allah ta’ala.
عن ابن أبي أوفى رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم إن خيار عباد الله الذين يراعون الشمس والقمر والنجوم والأظلة لذكر الله (المستدرك على الصحيحين للحاكم، الرقم: 163)
Si Sayyiduna Ibnu Abi Awfaa radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Katiyakan na ang pinakamabuting alipin ng Allah ta’ala ay yaong mga nagmamasid (sa pagsikat at paglubog ng) araw, buwan, mga bituin at (haba ng) mga anino para sa pag-alaala ng Allah ta’ala (yun ay tinutupad nila ang kanilang ibaadaah sa tamang panahon nito ayon sa utos ng Allah ta’ala, habang sinusubaybayan ang oras sa pamamagitan ng pagmamasid sa araw, buwan, mga bituin at ang haba ng mga anino, gaya ng ipinaliwanag sa Ahaadith. Ang muadhin ay kasama sa masayang balitang ito dahil sa kanyang pagsubaybay sa oras upang siya ay makatawag ng adhaan ng bawat salaah sa tamang oras nito).