Mga Sunnah at Alituntunin ng Pag-aayuno – 1

Mga Sunnah at Alituntunin ng Pag-aayuno – 1

1. Simulan ang paghahanda para sa buwan ng Ramadan nang maaga. Ang ilan sa mga Salafus Salihin/sinaunang mabubuting tao ay nagsisimulang maghanda ng anim na buwan bago pa ang Ramadan.

2. Kapag nagsimula na ang buwan ng Rajab, bigkasin ang sumusunod na dua:

اَللّٰهُمَّ بَارِكْ لَنَا فِيْ رَجَبٍ وَّشَعْبَان وَبَلِّغْنَا رَمَضَان

O Allah! Pagpalain mo kami sa mga buwan ng Rajab at Sha’baan at paabotin mo kami sa buwan ng Ramadan.

عن أنسٍ رضي الله عنه قال كَانَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيهِ وَسَلَّمَ إذَا دَخَلَ رَجَبٌ قَالَ: اَللّهُمَّ بَارِكْ لَنَا فِيْ رَجَبٍ وَّشَعْبَانَ وَبَلِّغْنَا رَمَضَان (شعب الايمان، الرقم: 3815)

Si Hazrat Anas radhiyallahu anhu ay nag-ulat na kapag ang buwan ng Rajab ay magsisimula, ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay binibigkas ang sumusunod na dua,

اَللّٰهُمَّ بَارِكْ لَنَا فِيْ رَجَبٍ وَّشَعْبَان وَبَلِّغْنَا رَمَضَان

“O Allah! Pagpalain mo kami sa mga buwan ng Rajab at Sha’baan at paabotin mo kami sa buwan ng Ramadan.”

3. Gumawa ng isang timetable at maglaan ng oras para sa pagsasagawa ng ibaadah tulad ng pagbabasa ng Quraan Majeed, atbp. Sa pagpaplano ng iyong sarili at pagiging partikular sa iyong oras, maiiwasan mo ang pag-aaksaya ng mahahalagang sandali ng Ramadhaan.

عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه و سلم قال من صام رمضان وعرف حدوده وتحفظ مما ينبغي له أن يتحفظ كفر ما قبله رواه ابن حبان في صحيحه والبيهقي (الترغيب والترهيب، الرقم: 1474)

Si Hazrat Abu Sa’eed Khudri radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Hazrat Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Sinuman ang mag-aayuno sa buwan ng Ramadhaan, kinikilala (at iginagalang) ang mga  hangganan at limitasyon nito, at tinitiyak na tinutupad niya ang mga karapatan ng Ramadhaan ayon sa nararapat niyang tuparin , lahat ng kanyang mga naunang kasalanan ay patatawarin.”

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 15

20. Hindi ka dapat magsagawa ng salaah sa lugar sa musjid na humahadlang sa malayang …